TUGUEGARAO CITY-Umakyat na sa 5,691 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa rehiyon dos.
Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health (DOH)-Region 2 ng 58 na bagong kaso ng covid-19.
Nasa 561 ang aktibo mula sa mga naitalang kaso kung saan may pinakamaraming bilang ang Probinsya Isabela na may 340 sinundan ng Cagayan na 168, Santiago City na may 39 at 14 sa Nueva Vizcaya.
Mayroon namang 44 na bagong nakarekober mula sa nakamamatay na sakit kung kaya’t umabot na sa 5,034 ang bilang ng mga gumaling.
Umabot na rin sa 93 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus matapos makapagtala ang ahensya ng bagong dalawang pasyente na namatay nang tamaan ng nasabing virus.
-- ADVERTISEMENT --