TUGUEGARAO CITY-Umabot sa 33 ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 o covid 19 sa Rehiyon dos.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH)Region 02 noong September 5 na inilabas ngayong araw ( September 6), umakyat na sa 939 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa lambak cagayan.
Sa nasabing bilang ay 332 ang aktibong kaso.
52 porsiyento sa mga active cases ay asymptomatic; 47 porsiyento ang mild habang 1 percent ang severe.
Nanatili pa ring sampu ang napaulat na namatay.
-- ADVERTISEMENT --
Ayon pa sa DOH, anim ang gumaling pa sa rehiyon dos.
Kung kayat pumalo na sa 597 ang total recoveries ng covid 19 pandemic sa Region 02.
Samantala, Nananatili pa ring covid 19 positive free ang lalawigan ng Batanes. with reports from Bombo Marvin Cangcang