Ikinagagalak ni Senador Ping Lacson ang utos ng Ombudsman na magsagawa ng lifestyle check sa 26 na miyembro ng Kamara na umano’y mga “cong-tractors” o sangkot sa mga proyekto ng gobyerno bilang mga kontratista.

Ayon kay Lacson, ito ay isang magandang development dahil malinaw na may conflict of interest sa sitwasyon.

Binanggit din niya ang kanyang mga privilege speech noong nakaraang taon tungkol sa mga “ghost projects” sa Bulacan, kung saan umabot umano sa P35 bilyon ang ipinasok ni dating Rep. Elizaldy “Zaldy” Co sa mga proyekto mula 2022 hanggang 2025.