TUGUEGARAO CITY-Umabot 24 ang bagong kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Region 02 na naitala kahapon Oktubre 4,2020 na inilabas ngayong araw.
Batay sa datos na ibinahagi ng Department of Health (DOH)-Region 02, mula sa bagong naitalang kaso, 13 dito ay galing sa Isabela, sampu sa Cagayan at isa sa Santiago City.
Dahil dito, umabot na sa 1,814 ang kumpirmadong kaso ng virus sa rehiyon kung saan pinakamaraming sa naitala ay mula Isabela na may 685 sunod ang Nueva Vizcaya na may 570, Cagayan na may 463, Santiago City ay 89, lima sa Quirino at dalawa sa Batanes.
Nasa 361 naman ang aktibong kaso ng virus sa rehiyon habang 1,466 ang nakarekober at 32 ang nasawi dahil sa covid-19.
Samantala, 26 na kumpirmadong kaso ng virus ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC).
Mula sa nasabing bilang, 15 dito ay mula sa Cagayan partikular dito sa lungsod ng Tuguegarao na may sampung kaso, Solana na may tatlo at tig-isa sa bayan ng Enrile at Camalanuigan.
Karagdagang anim na kasong minomonitor sa naturang pagamutan ay mula sa Ilagan, apat sa Tumauini at isa sa Delfin Albano sa probinsya ng Isabela.
Bukod dito, 19 na suspected cases ang minomonitor sa CVMC kung saan sampu dito ay mula sa Isabela, pito sa Cagayan at dalawa sa Kalinga.