TUGUEGARAO CITY Umakyat na sa 4,858 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa Rehiyon dos.

Batay sa tala ng Department Of Health (DOH)-R02, 33 ang bagong bilang ng tinamaan ng virus kung kaya’t umakyat na sa 629 ang aktibong kaso ng nakamamatay na sakit.

Mula sa kabuuang bilang ng mga aktibong kaso, may pinakamaraming naitala ang probinsya ng Isabela na 275 sinundan ng Santiago City 192 ,Cagayan na 129,Nueva Vizcaya ay 23, siyam sa Quirino at isa sa Batanes kung saan 98.4 percent sa mga aktibong kaso ay asymptomatic at mild condition.

Nasa 4,155 na ang nakarekober sa sakit matapos makapagtala ng bagong 64 na nakarekober sa virus.

Isa ang bagong nasawi dahil sa virus kung kaya’t umabot na sa 74 ang bilang ng mga namatay matapos tamaan ng sakit sa Rehiyon dos.

-- ADVERTISEMENT --