Tuguegarao City- Isang COVID-19 confirmed case nalamang ang binabantayan ngayon ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) matapos magnegatibo sa sakit ang isa pang kasama nito.

Sa pinakahuling datos ng naturang tanggapan, hinihintay pa ang resulta ng swab test ni PH 3668 upang malaman kung negatibo na ito sa sakit.

Kaugnay nito, anumang oras mula ngayon ay maaari ng makalabas sa pagamutan si PH 3373 dahil negatibo na ito sa virus.

Sa panayam kay Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng CVMC, stable naman aniya ang kalagayan ni PH3668.

Samantala, inihayag pa ni Baggao na mula sa 9 na naitalang COVID-19 suspects sa CVMC ay 4 na mula rito ang nagnegatibo na sa sintomas ng COVID-19.

-- ADVERTISEMENT --

Mayroon nalamang aniyang 5 pang COVID-19 suspects ang binabantayan sa naturang pagamutan.

Sa ngayon ay tiwalasi Baggao na magiging maganda ang kalalabasan ng resulta sa pagsusuri sa mga nasabing pasyente..

Muli naman itong nanawagan sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na alituntunin upang tuluyan ng mawakasan ang banta ng COVID-19 sa bansa.