Tuguegarao City- Nananatiling stable ang lagay ng isang 60 anyos na lalaking nagpositibo sa COVID-19 na mula sa bayan ng Baggao.

Ito ay batay sa kumpirmasyon ni Dr. Glenn Mathew Baggao ang Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kung saan naka isolate ang pasyente.

Ayon kay Dr. Baggao, walang iniindang sintomas ng virus ang pasyente maliban lamang sa panghihina ng kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Samantala, sa pinakahuling tala ng CVMC ay nananatiling iisa ang naitalang probable case habang 15 naman ang kabuuang bilang ng mga suspected COVID patients.

Muli ay tiniyak nito ang kahandaan ng naturang tanggapan upang tugunan ang pangangalaga sa mga pasyente laban sa banta ng COVID-19 pandemic.

-- ADVERTISEMENT --