Inanunsiyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ngayong araw na ito ang pagkansela sa Certified Public Accountants Licensure Exam (CPALE) na nakatakda sa October 25, 26, and 27 nationwide.

Ayon sa PRC, muli silang magtatakda ng schedule ng CPALE sa mga susunod na araw.

Sinabi ng PRC, ito ay bunsod na rin ng impact ng bagyong Kristine, kung saan apektado ang ilang examinees at iba’t ibang testing centers sa buong bansa.

Pinayuhan ng PRC ang mga examinees na direktang magtanong sa CPALE sa pamamagitan ng official email addresses at mag-monitor sa updates sa kanilang social media platforms.