TUGUEGARAO CITY-Pabago-bago ang decision tool at criteria para maikonsiderang PUI o person/patient under investigation ng 2019 novel Coronavirus (nCov).

Ito ang paliwanag ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief ng Cagayan Valley Medical Center(CVMC), kasunod ng kalituhan ng publiko kung kailan masasabi na apektado ng nasabing virus ang isang tao.

Ayon kay Baggao, noong una ang tanging basehan lamang para maikonsiderang PUI ay galing ito sa Wuhan, China o may travel history sa nasabing bansa na epicenter ng nasabing virus.

Ngunit ngayon, sinabi ni Baggao na kahit walang travel history sa bansang China basta may exposure sa community o grupo at nakitaan ng sintomas ng nCov ay maari na umanong ikonsiderang PUI.

Kaugnay nito,nilinaw ni Baggao na walang mali o masama sa unang report ng himpilan ng Bombo Radyo Tuguegarao ukol sa unang PUI ng nasabing virus sa lalawigan.

-- ADVERTISEMENT --
Tinig ni Dr. Glenn Mathew Baggao