TUGUEGARAO CITY- Pinayuhan ng Civil Service Commission ang mga government employees na panatilihin ang tapat, may integridad at pagiging responsable sa kanilang pagtatrabaho ngayong 2020 at sa lahat ng panahon.

Sinabi ni Valnisan Calubaquib, chief human specialist ng CSC Region 2 na ito ay upang mapanatili o mapataas pa ang tiwala sa kanila ng mamamayan.

Ayon sa kanya, bilang mga government employees , kaakibat nito ang maayos na pagsisilbi sa publiko.

ang tinig ni Calubaquib

Nanawagan din siya sa mga consultants ng government agencies na taglayin din ang katapatan, integridad at paninindigan sa kanilang trabaho.

-- ADVERTISEMENT --
muli si Calubaquib

Nilinaw ni Calubaquib na ang kanyang mga pahayag ay hindi bilang babala na may kaakibat na mga parusa sa mga hindi ginagampanan ng maayos ang kanilang mga trabaho sa halip ito ay isang gabay sa kanilang pagtupad sa kanilang mga tungkulin.

Ayon sa kanya, hindi naman na sana kailangan ang mga paalala sa mga ito dahil sa naniniwala siyang alam ng mga ito ang code of ethics sa kanilang trabaho.