
Pinayagan ng Civil Service Commission (CSC) ang mas flexible na pagpapatupad ng four-day compressed workweek sa mga ahensya ng pamahalaan bilang bahagi ng modernization efforts ng gobyerno.
Ayon sa CSC, maaaring ipatupad ng mga ahensya ang 40-hour workweek sa loob ng apat na araw basta’t mananatiling bukas ang mga tanggapan at tuloy-tuloy ang serbisyo sa publiko mula Lunes hanggang Biyernes.
Saklaw din ng polisiya ang mga frontline at on-site personnel kung hindi maaapektuhan ang pagbibigay ng face-to-face services at may pahintulot ng kanilang ahensya.
Nilinaw ng CSC na hindi maaapektuhan ang leave benefits ng mga empleyadong sasailalim sa compressed workweek.









