
Hihingi ng paglilinaw si Senate President pro-tempore Win Gatchalian mula sa Civil Service Commission (CSC) para bigyang linaw kung sino ang dapat na sundin ng mga empleyado sa Senado.
Sa gitna na rin ito ng kalituhan sa panig ng mga empleyado sa Senado kung sino sa kanila ni Senator Alan Peter Cayetano ang susundin.
Giit ni Gatchalian na siya ring acting senate president, tatapusin nila ang kalituhan sa pamamagitan ng tulong ng CSC.
Kapag nagkaroon na aniya ng sertipikasyon mula sa CSC ay makakampante na ang mga senate employees.
Ipinunto muli ni Gatchalian na sila na ang kinikilala ng palasyo at maging ng Kamara na bagong mayorya sa mataas na kapulungan.
-- ADVERTISEMENT --










