Bumalik na sa Senado ang embattled contractor na si Pacifico “Curlee” Discaya II, isang linggo matapos siyang isugod sa ospital para sa operasyon sa kanyang kanang balikat.

Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza, nakabalik na si Discaya sa Senado nitong umaga at maayos na ang kanyang kondisyon matapos ang operasyon.

Sinabi ni Mendoza na pinayagan ng mga doktor si Discaya na ipagpatuloy ang kanyang recovery habang nananatili sa loob ng Senado.

Matatandaang pansamantalang inalis sa Senate detention si Discaya noong nakaraang linggo upang sumailalim sa medikal na procedure sa kanyang balikat.

Si Discaya ay nakadetine sa Senado mula Setyembre 2025 matapos siyang ma-cite in contempt ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng pagdinig sa umano’y anomalya sa flood control project.

-- ADVERTISEMENT --