
Pansamantalang ilalabas sa kustodiya ng Senado si kontratistang si Pacifico “Curlee” Discaya upang sumailalim sa operasyon sa kanyang kanang balikat.
Ayon kay Senate Secretary Mark Llandro Mendoza, pinayagan ang kahilingan ni Discaya na magpaopera, ngunit kailangan pa ng pinal na clearance bago ito maisagawa, posibleng sa Huwebes.
Nasa detention si Discaya sa Senado matapos ma-cite in contempt kaugnay ng imbestigasyon sa kontrobersyal na flood control project noong Setyembre 2025.
Nauna na rin siyang isinugod sa ospital noong Marso para sa MRI dahil sa pananakit ng balikat. Inaasahang mananatili siya roon nang humigit-kumulang isang linggo bago ibalik sa Senado.
Tiniyak ng Senado na sumailalim sa pagsusuri ang pasyente bago payagan ang operasyon, at babantayan siya ng Senate security habang nasa ospital.
Si Discaya na lamang ang natitirang nakadetine sa Senado kaugnay ng naturang imbestigasyon.










