Cagayan Valley Medical Center

TUGUEGARAO CITY- Nakapagtala ang Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ng record high ng covid-19 related patients ngayong araw na ito.

Sinabi ni Dr. Glenn Mathew Baggao, Medical Center Chief, sa ngayon ay may 88 na pasyente ang covid-19 ward ang CVMC.

Sa nasabing bilang, 53 ang confirmed cases habang 35 naman ang suspected patients.

Sinabi ni Baggao na ang pinakabagong na-admit sa ospital na suspect patients ay dalawang bagong silang na sanggol na mula sa Alcala at Gattaran.

Sila ay ipinanganak ng suspect patient.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa dalawa, may galing din sa Baggao, Gattaran, Tinglayan, Kalinga, Iguig at Enrile.

Isa naman ang bagong pumasok na confirmed case ng covid-19 na mula sa Gonzaga.

Idinagdag pa ni Baggao na sa 53 confirmed cases, 30 ay mula sa Cagayan kung saan pinakamarami ay mula sa Tuguegarao na 16.

Kaugnay nito, sinabi ni Baggao na nagdagdag na sila 21 na mga kama para sa mga covid-19 related patients dahil sa ang dating capacity lang ng kanilang covid ward ay 80.

Dahil dito, sinabi ni Baggao na bagamat may sobra pa na beds ay umaasa siya na hindi na madagdagan ang kanilang mga pasyente.

Samantala, sinabi ni Baggao na marami na silang backlog ngayon na isasailalim sa pagsusuri na mga specimen na mahigit 600.

Sinabi niya na 93 pa lang ang kanilang naipoproseso.

Ayon sa kanya, ang pagdami ng mga specimen sa CVMC ay dahil sa dinadala na ang mga specimen na mula sa Santiago City at Nueva Vizcaya dahil hindi umano gumagana ang kanilang molecular laboratory.