Naghain ng reklamong graft, malversation, at falsification si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa Office of the Ombudsman laban sa ilang private contractor at opisyal ng DPWH sa Davao Occidental na sangkot umano sa ‘incomplete ghost’ farm-to-market roads ngayong Huwebes, May 21.

Kabilang sa sinampahan ng reklamo ay sina DPWH Davao Occidental District Engineer Rodrigo Larete, project engineer at OIC chief ng construction section na si Joel Lumogdang, at marami pang iba.

Ayon kay Laurel, walong ghost farm to market road na nagkakahalga ng ₱94 million ang kanilang nadiskubre noong 2025 kung saan lupa at walang semento o konstruksyon sa lokasyon ng mga proyekto na dapat sana’y isinagawa na noong 2021 hanggang 2023.

Samantala, wala naman umanong sangkot na LGU officials at mambabatas sa nasabing amomalya base sa hawak na ebidensya ng DA.

Gayunpaman ay magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng DA lalo’t may iba pa umanong farm to market road na nakikitaan ng anomalya.

-- ADVERTISEMENT --