May nadiskubre ang Department of Agriculture na umano’y “ghost” farm-to-market roads na nagkakahalaga ng P75 million sa Mindanao.
Gayunpaman, sinabi ni Agriculture Secretary Fracisco Tiu Laurel Jr. na ang kanilang nadiskubre ay pinaghihinalaang isolated case.
Ayon sa kanya, initial reports pa lamang ang kanilang nakita at hindi naman ito gaanong malaki kung iugnay sa buong FMR projects.
Sinabi niya na ang nasabing mga proyekto ay sa Region XI at sa Zamboanga City.
Ayon sa kalihim, ang nakita ay limang kilometro na FMR.
Sinabi niya na ito ay mula 2021 hanggang 2022, nagsasagawa pa sila ng masusing imbestigasyon.
Idinagdag pa ni Tiu Laurel na natukoy na rin nila ang mga sangkot na maliliit umano na contractors sa nasabing proyekto.
Sinabi niya na hindi kasama ang contractors sa 15 malalaking contractors, na isiniwalat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakuha ng malalaking flood control projects sa bansa.
Bukod dito, sinabi niya na hindi rin ito insertion sa budget.
Sinabi ni Tiu Laurel na sinabi na niya ito kay Pangulong Marcos at magsusumite siya ng formal report bukas, October 1.