Nagbabalak ang Department of Agriculture o DA na maglaan ng temporary employment para sa mga magsasakang hindi makapagtatanim dahil sa matinding epekto ng El Niño.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., maaaring i-deploy ang TUPAD program ng Department of Labor and Employment o DOLE sa mga lugar na lubhang kapos sa tubig, habang maaari ring tumanggap ng ayuda mula sa DSWD ang mga apektadong magsasaka.

Kabilang sa mga inaasahang matamaan ng El Niño ang Ilocos Region, Cagayan Valley at Western Visayas.

Para naman sa mga lugar na may sapat pang tubig para sa pagtatanim, plano ng DA na magbigay ng drought-resistant seeds at fertilizer support, o hikayatin ang mga magsasaka na magpalit muna ng pananim.

Inaasahang magpapatuloy ang matinding tagtuyot hanggang unang bahagi ng 2027.

-- ADVERTISEMENT --