Nagdagdag na ng karagdagang pwersa ang Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga entry point sa rehiyon upang matiyak na walang makakapasok na mga karne galing sa mga bansang apektado ng African swine fever.

Ayon kay Narcisso Edillo, executive director ng Department of Agriculture RO2 na malaki ang posibilidad na mahawa ang pork industry sa bansa ng mga karneng kontaminado ng African swine fever.

Kabilang sa mga binabantayan ng mga quarantine officers ang mga processed at frozen meat na nakatalaga sa bayan ng Sta Fe at Kayapa sa Nueva Vizcaya, Sta Praxedes sa Cagayan at Quirino.

Bukod dito, ipinag-utos din ng DA sa BAI ang mahigpit na pagbabantay sa mga paliparan at mga pantalan sa rehiyon.

Sa pinakahuling datos ng Food and Drug Administration (FDA), nadagdagan pa ang mga bansa na bawal munang pag-angkatan ng processed pork products dahil sa pangamba sa African swine fever.

-- ADVERTISEMENT --

Sakop na rin dito ang Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium.

Naunang pinatawan ng “temporary ban” ang China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.