Nanawagan ang mga pamilya ng mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng dagdag na pensiyon para sa natitirang mga bayani ng bansa kasabay ng paggunita ng Araw ng Kagitingan.

Ayon sa samahan ng mga anak at kaanak ng beterano, kasalukuyang tumatanggap ang mga beterano ng humigit-kumulang P20,000 buwanang pensiyon at karagdagang benepisyo para sa kapansanan, habang P5,000 naman ang natatanggap ng kanilang mga asawa.

Iginiit ng grupo na kinakailangan ang batas upang madagdagan ang pensiyon, lalo na’t tinatayang nasa 440 na lamang ang natitirang buhay na beterano sa buong bansa.

Sa Kamara, naghain si Rep. Reymond Mendoza ng panukalang batas na naglalayong ideklara ang buwan ng Abril bilang Philippine Veterans’ Month upang higit na kilalanin ang ambag ng mga beterano.

Samantala, tiniyak ni pangulongh Ferdinand Marcos Jr. ang patuloy na suporta sa kapakanan ng mga beterano at kinilala ang kanilang sakripisyo para sa kalayaan ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --