Nadagdagan pa ang mga senador na nagsusulong ng dagdag na sahod para sa lahat ng mga guro sa buong bansa.

Sa magkahiwalay na panukalang inihain, isinusulong ni Senator Sherwin Gatchalian na dagdagan ng P20,000 ang buwanang sweldo ng mga guro habang sa panukala naman ni Senator Risa Hontiveros ay P15,000 kada buwan na dagdag sa sahod.

Hahatiin ito sa tranches na ibibigay sa loob ng tatlong taon.

Para kay Gatchalian, ang mga guro ay sandigan ng tagumpay ng bawat mag-aaral kaya nararapat lang na bigyan sila ng dangal sa pamamagitan ng dagdag suweldo bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at dedikasyon sa propesyon.

Katwiran naman ni Hontiveros, taon-taon ay inirereklamo sa kanila ng iba’t ibang mga grupo ng mga guro ang mababa nilang sweldo at marami sa kanila ay umaalis at naghahanap ng trabaho sa abroad kahit ang iba ay hindi na sa linya ng pagtuturo.

-- ADVERTISEMENT --