Maibibigay na simula ngayong September payroll ang dagdag sweldo ng mga guro base sa Executive Order 64.
Sa budget hearing ay inihayag ni Education Secretary Sonny Angara na may instruction ang Department of Budget and Management (DBM) na pwedeng gamitin ng mga ahensya ng pamahalaan ang kanilang savings para maibigay agad ang taas-sahod at ito ay papalitan na lamang.
Sabi naman ni Department of Education (DepEd) Undersecretary Analyn Sevilla, tatlong rehiyon na ang nakapagpatupad ng salary differential, limang rehiyon ang nagpalabas na ng partial payments, at ang nalalabi ay nasa proseso na.
Kasama sa matatanggap ng mga guro ang retroactive increase para sa buwan ng Enero hanggang Agosto ngayong taon.