Naaagnas na ng matagpuan ang isang dalaga sa water impoundingh project sa Barangay Baracaoit, Gattaran, Cagayan.

Sinabi ni PSSg Nilert Galla, imbestigador ng PNP Gattaran na isang lalaki ang nakakita sa bangkay ng dalaga nang pumunta ito sa kabundukan ng Sitio Bandana para kumuha ng gulay.

Agad na ipinaalam ni Ronald Dacanay ang kanyang nakita sa mga barangay officials.

Ayon kay Galla, sa kanyang pagtatanong sa pamilya ng 18 anyos na biktima ay noong August 11 pa siya nawawala at inakala na namamasyal lang dahil sa may problema umano ito sa pag-iisip at may sakit na epilepsy.

Sinabi naman ng mga nakakita sa dalaga bago siya matagpuang patay ay inatake umano siya ng kanyang epilepsy at nang maka-recover ay hindi na nila alam kung saan siya pumunta.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ang biktima ay residente ng Brgy. PiƱa Weste na nasa limang kilometro ang layo sa lugar kung saan siya natagpuang wala ng buhay.

Sinabi ni Galla na pagkalunod ang sanhi ng pagkamatay ng dalaga batay sa isinagawang pagsusuri.