
Tatlong Grade 12 students ang dinakip ng pulisya dahil sa umano’y pangmomolestiya sa kanilang 16-anyos na schoolmate sa Tondo, Manila.
Sinabi ng Baseco Police na nakikipag-usap umano ang dalagita sa isa sa mga suspek nang yayain umano ito ng huli na makipag-inuman.
Nagsimula ang kanilang inuman ng alas-11 ng gabi ng April 6 at natapos bandang alas-2 ng madaling araw kinabukasan.
Batay sa biktima, nakatulog siya nang malasing at paggising niya ay naramdaman niyang may humahalik sa kanya at humahawak sa kanyang kamay.
Ayon pa sa biktima, nagsalitan ang mga suspek sa panggagahasa sa kanya.
Nakatakas siya nang makatulog ang mga suspek saka siya nagtungo sa kanyang kaibigan.
Nahuli ang mga suspek sa follow-up operation at tumanggi silang magkomento.
Nakakulong na ang mga suspek sa Baseco Police Station at mahaharap sa kasong rape.