Dalawa pang kaso ng mpox ang naiulat sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ayon sa DOH, natukoy ang mga bagong kaso sa Metro Manila.

Ang mga ito ay 37-year-old male at 32-year-old male na may MPXV Clade II.

Noong August 20, ang 37-year-old patient ay may nakitang kakaiba na rash o pantal na nagsimula sa kanyang mukha, mga kamay, palad, mga paa at talampakan.

Ang 32-year-old naman ay nakaranas ng skin lesions sa kanyang singit noong August 14 at matapos ang ilang aeaw, nakaranas siya ng lagnat.

-- ADVERTISEMENT --

Inamin ng mga ito na nagkaroon sila ng close, intimate, at skin-to-skin contact bago lumabas ang kanilang mga sintomas.

Nananatili sa isang government hospital ang 37-year-old patient, habang ang isa ay nagpapagaling sa kanilang bahay.

Ayon sa DOH, may 12 mpox cases na sa bansa buhat noong July 2022.

Ang unang kaso ng mpox ngayong 2024 ay naitala noong August 18.

Bago nito, ang huling kaso ng mpox sa bansa ay naitala noong December 2023.