Nahuli ang dalawang indibidwal matapos nilang kumidnap ng isang Chinese national sa Dagupan City, Pangasinan.

Ayon kay PMAJ Novalyn Agassid, tagapagsalita ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, nagsimula ang operasyon noong Enero 22, 2025, nang isang Chinese national ang kinidnap sa Dagupan City.

Noong Enero 23, nahuli ang tatlong suspek at na-rescue ang dalawang biktima sa isang checkpoint sa Benguet.

Pagkalipas ng isang araw, noong Enero 24, nahuli naman ang huling dalawang suspek sa Magapuy, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Lumabas sa imbestigasyon na hindi lang tatlong suspek ang sangkot sa insidente ng kidnapping.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa mga awtoridad, may dalawang sasakyan na ginamit sa insidente at ang unang sasakyan na nahuli sa Bayombong ay nauunang sumunod sa ruta ng mga suspek.

Agad nakipag-ugnayan ang Anti-Kidnapping Group sa mga pulis sa Bayombong at ibinigay nila ang impormasyon hinggil sa lokasyon ng van na ginagamit ng dalawang suspek.

Sa tulong ng tracking device, natukoy ng mga awtoridad ang posisyon ng sasakyan.

Aniya, mang makita nilang palabas na ang van mula sa Bayombong, agad nilang ipinasa ang impormasyon sa mga personnel on the ground upang matukoy ang eksaktong lokasyon ng dalawang patakas na suspek.

Ayon kay PMAJ Agassid, ang huling van na nahuli na ginamit ng mga suspek ay nirentahan lamang mula sa Benguet.

Sa ngayon ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 and BP 881 omnibus election code ang mga suspek.