Kapwa sugatan ang dalawang magkamag-anak na mag-kainuman sa bayan ng Abulug matapos magtagaan nang dahil lamang sa isang biro na may ibang babae si mister habang nasa ibang bansa si misis.

Kinilala ang biktima na isang Brgy kagawad na si Julius Reynon habang ang suspek ay si Frankilino Baloran, kapwa nasa tamang edad at residente ng Brgy. Sta Rosa sa naturang bayan.

Ayon kay PCAPT Junjun Torio, deputy chief of piolice ng PNP-Abulug, magkasamang naginuman ang dalawa, kasama ang iba pa upang ipagdiwang ang paguwi ng misis ng Kagawad na galing sa ibang bansa.

Nang malasing ang suspek ay bigla umano nitong sinabi sa misis ng biktima na mayroon itong ibang babae habang nasa ibang bansa ito na dahilan upang iuwi siya ng isa sa kanilang nakainuman.

Subalit, bumalik umano ang suspek at hinabol ng tabas ang naghatid sa kanya hanggang sa lumabas si kagawad at siya ang pinagtataga ngunit nagawa naman ni kagawad na pumasok sa kanyang bahay upang kumuha ng tabas at tinaga ang suspek.

-- ADVERTISEMENT --

Kapwa nasisugod sa pagamutan ang dalawa at patuloy na nagpapagaling kung saan nagtamo ng grabeng tama sa kanyang kanang braso ang biktima.

Aniya, hindi na interesado pang magsampa ng kaso ang asawa ng biktima laban sa suspek na nahaharap sa kasong frustrated murder.