Dalawang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa gitna ng tubuhan sa lungsod ng La Carlota sa Negros Occidental.

Ayon sa La Carlota Municipal Police Station, inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng dalawang bangkay na pinaniniwalaang biktima ng summary execution o salvage.

Sinabi ng pulisya, isang trabahador sa tubuhan ang nakadiskubre sa dalawang bangkay sa Hacienda San Roque, Barangay Cubay.

Ayon sa pulisya, hubo’t hubad ang isang biktima at nabalutan ng putik ang kanyang katawan, may tattoo sa kanang balikat at binalutan ng masking tape ang kanyang mukha.

Binalot naman ng tarpaulin ang isa pang biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad para alamin kung may mga nawawala na mga tao sa probinsiya at upang malaman ang kanilang pagkakakilanlan.

Sinabi ng pulisya na wala namang naiulat na nawawala sa La Carlota, kaya naniniwala sila na sa ibang lugar pinatay ang mga biktima at itinapon lamang sa nasabing lugar.