Nakumpiska mula sa dalawang dayuhang pasahero ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P56.5 million sa back-to-back operations sa Ninoy Aquino International Airport (Naia) Terminal 3 sa Pasay City.
Ayon sa Bureau of Customs, sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at the Naia Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, nakuha sa dalawang dayuhan ang kush o high-grade marijuana, at methamphetamine hydrochloride o shabu sa magkahiwalay na operasyon.
Sinabi ng BOC, tinangka ng isang African na mula sa Abu Dhabi na magpuslit ng 5.256 kilograms ng shabu na nagkakahalaga ng P35,802,000 noong Martes.
Samantala, isang Thai passenger naman na mula sa Thailand ang nakuhanan ng 14.825 kilograms ng kush na nagkakahalaga P20,755,000 noong Miyerkules.