Huli ang dalawang estudyante sa aktong pagpupuslit ng mga tubular at bricks ng marijuana sa Lubwagan,

Kalinga.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Kane Bradley Salam-oy, 19 anyos, mula sa Bulanao Tabuk City at si
Michael John Pascual, 21 anyos at residente ng Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City.

Ayon kay PCOL Davy Vicente Limmong, director ng Kalinga PNP agad naglatag ng checkpoint ang pulisya ng makatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa isang kotseng naglalaman ng marijuana na nakatakdang iluwas patungong Tuguegarao.

Nang maharang ang dalawa ay nakumpirmang may dala silang tatlong bricks at tubular dried marijuana na

-- ADVERTISEMENT --

nagkakahalaga ng P700k.

Saad ni Limmong, kinuha umano ng dalawa ang dalang mga marijuana sa kanilang contact sa Tinglayan.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng pulisya ang mga nahuling suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.