Kinumpirma ng Japanese embassy ang pagpatay sa dalawang Japanese citizens sa pinaghihinalaang pagnanakaw sa Manila noong gabi ng August 15.

Pinagbabaril ang dalawang dayuhan ng hindi pa nakikilalang salarin sa Malate noong gabi ng Biyernes.

Ayon sa ulat, isang lalaki ang nag-utos sa dalawa na lumabas sa kanyang sasakyan, at kasunod nito ay pinagbabaril ang mga biktima.

Tinangay salarin ang mga kagamitan ng mga biktima, bago tumakas sakay ng motorsiklo na may kasama.

Kaugnay nito, pinayuhan ng embahada ng Japan ang kanilang mga kababayan sa bansa na maging maingat kasunod ng nasabing insidente.

-- ADVERTISEMENT --

Pinakilos naman ng Manila Police District (MPD) ang Special Investigation Task Group Malvar matapos ang pamamaril.

Kinumpirma ng mga awtoridad ang pagkakahuli sa isa sa mga suspek at may tinukoy na isa pang person of interest.

Batay sa initial reports, sumakay ang mga biktima sa isang taxi bago ang insidente, kung saan sila ay nanunuluyan sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.

Kasunod nito ay natagpuan ng mga awtoridad ang getaway vehicle ng mga suspek, na inabandona sa corner ng Malvar at Taft Avenue.