Mas naipakita ang matibay na ugnayan ng Pilipinas at Japan sa pagdaong ng dalawang Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) sa Port Area, Manila ngayong araw.

Ito ay matapos ratipikahan ang Reciprocal Access Agreement (RAA) ng parehong bansa.

Sinalubong ang mga ito ng Philippine Navy, at tinugtugan pa ng Japanese anime theme songs gaya ng One Piece at Slam Dunk.

Ayon kay Rear Adm. Natsui Takashi, commander of JMSDF Escort Flotilla Four, ang pagdating ng JS Ise (DDH-182) at JS Suzunami (DD-114) ay nagpapakita ng kanilang commitment na suportahan ang bansa sa malaya at bukas na Indo-Pacific Region.

Ang pagbisitang ito ng dalawang destroyers ng Japan ay magtatagal ng hanggang 3 araw.

-- ADVERTISEMENT --