Sugatan ang dalawang kalalakihan matapos nagsaksakan sa isang inuman sa Brgy.Union, Claveria Cagayan.

Kinilala ni PCMS Ritchie Roger Hernandez chief investigator ng PNP Claveria, ang biktima na si Alyas AB, 42 anyos habang ang suspect naman ay sis Alyas Ed, 33 anyos at kapwa residente sa nasabing barangay.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa sa kalagitnaan ng kanilang pag iinom matapos na makarinig ng hindi magandang salita ang biktima galing sa suspect dahilan upang suntukin nito si..

Makalipas aniya ng ilang minuto ay umuwi na ang biktima kasama ang isang kagawad at nang makarating sa bahay ng kapatid ng kagawad ay pinuntahan umano nito ng suspect at nangsuntukan ang dalawa.

Napag alaman na umuwi aniya ang suspect sa kanilang tahanan upang kumuha ng patalim na panaksak sa biktima at nang atakihin umao nito ang biktima ay dito na rin kinuha ni ang kanyang dalang patalim sa kanyang bag upang depensahan ang kanyang sarili.

-- ADVERTISEMENT --

Kapwa nagtamo ng mga sugat ang dalawa sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan kung saan pinakalubhang nasugatan ang ulo ng biktima habang sa bahagi ng tiyan naman ang suspect.

Sa ngayon ay parehong nasa pagamutan parin ang dalawa habang wala pang pag uusap ang pamilya ng dalawang panig at inaantay pa ang desisyon ng pamilya ng biktima kung kakasuhan ba ang suspect.