Naaresto umano sa Indonesia ang dalawang kasamahan ni dismissed Bamban Mayor Alice Guo.
Sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr., na ito ang ibinigay sa kanya na impormasyon ni Philippine National Police (PNP) chief General Rommel Marbil.
Ayon kay Abalos, nakakulong na umano ang dalawa sa Indonesia.
Unang sinabi ni Senator Risa Hontiveros na nakalabas ng bansa si Guo noong July 18, subalit patuloy na iginigiit ng kampo ng dating alkalde na nasa bansa pa siya.
Si Guo na sentro ng imbestigasyon dahil sa kanyang umano’y pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operators sa bayan ng Bamban, Tarlac, ay natuklasan na may helicopter, batay sa mga dokumento na nakuha ni Hontiveros.
May inilabas na immigration lookout bulletin order ang Bureau of Immigration laban kay Guo nitong buwan ng Hunyo, subalit sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na tanging hold departure order na mula sa korte ang makakapigil kay Guo na makalabas ng bansa.
Ipinag-utos na rin ng MalacaƱang sa Foreign Affairs at Department of Justice na bawiin ang Philippine passport ni Guo.