TUGUEGARAO CITY- Patay ang dalawang katao matapos na sila ay tamaan ng kidlat sa bayan ng Rizal, Cagayan kahapon ng hapon.

Kinilala ni PLT Jefferson Berida ng PNP Rizal ang mga namatay na sina Virginia Acosta, 64 anyos at Samuel Dela Cruz, 42 anyos.

Sa kanilang imbestigasyon, sumilong ang dalawa sa rest house ng St. Francis De Assissi parish church sa Barangay Mawanan dahil sa malalakas na ulan at kidlat matapos na maiayos ang kanilang alagang kalabaw.

Sinabi ni Berida na maaaring tumama ang kidlat sa bubong ng rest house matapos na tamaan ang kahoy kung saan nakapako ang isang bahagi ng kanilang sinilungan.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa kanya, nabiyak ang kahoy na tinamaan ng kidlat.