Patay ang dalawang katao at tatlong ang nasugatan kabilang ang state trooper sa serye ng insidente sa Lexington, Kentucky.

Binaril ng hindi nakilala na suspek ang Kentucky State Police trooper sa isang terminal road sa Blue Grass Airport.

Ayon kay Lexington Police Chief Lawrence Weathers, pinatigil ng suspek ang trooper matapos na makatanggap ng license plate reader alert sa lugar.

Sinabi ni Weather na agad na tumakas ang suspek matapos ang pamamaril.

Sa ngayon nasa maayos na kalagayan na ang nasabing pulis.

-- ADVERTISEMENT --

Nadatnan ng mga awtoridad ang suspek sa Richmon Road Baptist Church, kung saan nagpaputok din siya ng baril.

Sinabi ni Weathers na batay sa preliminary information, may koneksion ang suspek sa mga tao sa simbahan.

Dalawang babae ang idineklarang dead on the spot sa lugar.

Idinagdag pa ni Weathers na dalawang iba pa na dalawang lalaki ang binaril ng suspek.

Ang isa ay nasa critical condition habang stable na ang isa pa.

Sinabi ni Weathers na binaril ng mga rumesponding mga awtoridad at idineklarang dead on the spot.