Hinuli ang dalawang indibidual matapos na magpositibo ang search warrant na may paglabag sa R.A. 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ngayong araw, Agosto 1, sa lungsod ng Tuguegarao.
Ang magkahiwalay na operasyon ay pinangunahan ng Tuguegarao Component City Police Station na nagresulta sa pagkakadakip ng dalawang suspek.
Unang nadakip si alyas Mar, 25 taong gulang, walang asawa, fish vendor at residente ng lungsod.
Narekober mula sa suspek ang 10 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinilaang shabu at isang nakabukas na transparent plastic sachet.
Sumunod na nahuli si alyas Ronny, 31 taong gulang, walang asawa at residente rin ng lungsod.
Nakuha mula sa kanya ang isang pirasong heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng tatlong pirasong sachet na naglalaman din ng hinihinalaang ilegal na droga.
Matapos ang operasyon, agad na dinala ang nakumpiskang ebidensya at ang mga suspek sa PDEA RO2 para sa laboratory examination.
Isinailalim din ang mga suspek sa medical/physical examination sa People’s General Hospital bago pansamantalang ikinustodiya sa Custodial Facility ng Tuguegarao