Patay ang dalawang lalaki matapos ang malakas na pagsabog na nagdulot ng pagkawasak ng isang pagawaan ng mga paputok sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, nangyari ang pagsabog ng 11 a.m. at sinabi ito sa mga awtoridad makalipas ang 40 minuto.

Agad na pumunta ang emergency responders, kabilang ang mga personnel mula sa Bureau of Fire Protection at local rescue teams at naapula ang apoy.

Matapos na mapatay ang apoy, nakita ng responders ang nasunog na mga katawan ng hindi pa nakikilalang dalawang lalaki sa loob ng pagawaan.

Pinaniniwalaan na agad na namatay ang mga biktima nang mangyari ang pagsabog na nagbunsod ng sunog.

-- ADVERTISEMENT --

Sa isinawang karagdagang imbestigasyon, walang permit ang operasyon ng nasabing pagawaan ng nasabing paputok.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente upang malaman kung ano ang pangyayari bago ang pagsabog.