Patay ang dalawang kabataan habang sugatan ang isa pa nilang kasama na isa ring menor de edad nang bumangga ang kanilang motorsiklo sa bakod sa Catanauan, Quezon kaninang umaga.
Ayon sa pulisya, nawalan umano ng kontrol sa manebela ang driver na isang 17-anyos habang binabagtas ang pakurbadang bahagi ng national road sa Barangay Tagbacan Ibaba.
Dumiretso ang motor sa kongkretong bakod sa gilid ng kalsada.
Dahil sa lakas ng impact ng pagbangga, nagtamo ng matinding pinsala sa kanilang katawan ang driver at kanyang dalawang back-riders na isang babae, 16-anyos at isang lalaki na 18-anyos, na agad na isinugod sa ospital ng mga rescuer.
Idineklarang dead on arrival ang driver at ang babae sa ospital.
-- ADVERTISEMENT --