Tuguegarao, City- Huli ang dalawang menor de edad sa ikinasang buy bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Bauan, Solana, Cagayan.

Ang dalawang suspek ay itinago sa pangalang Macky, 15, out of school youth at JP , 14 , mag-aaral, kapwa residente sa nabanggit na lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCAPT Junjun Balisi, sinabi niya na dati ng minamanmanan ng mga otoridad ang iligal na gawain ng dalawa.

Nakuha mula sa mga ito ang dalawang sachet ng umano’y marijuana leaves kapalit ng P500 na ginamit bilang buy bust money.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Solana ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

-- ADVERTISEMENT --