Mas hinigpitan ang seguridad sa Department of Justice (DOJ) compound sa Maynila matapos maaresto ang dalawang scammer na nagpapanggap na tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Pumasok umano sa opisina ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang scammer at nagawa pang makipag-selfie sa Kalihim.

Ginamit umano ito para magpakilalang tauhan ng Immigration.

Makaraang maaresto, nakumpiska rin sa mga ito ang hindi lisensiyadong baril.

Sa ngayon, mas hinigpitan na ang seguridad sa Department of Justice (DOJ) compound sa Maynila matapos ang insidente.

-- ADVERTISEMENT --