Pasok na sa Paris Olympics ang dalawang karagadagang atletang Pilipino, daan upang umabot na sa 22 ang kabuuang atleta na magbibitbit sa bandila ng Pilipinas.

Ang pinakahuling Olympic qualifiers ay sina Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino.

Si Tolentino ay na-qualify para sa 110 meter hurdles event.

Hawak niya ang national record na 13.37 seconds.

Si Hoffman naman ay na-qualify para sa 400 meter hurdles event, hawak ang record na 55.72 sec.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan, tatlong Pinoy na ang maglalaro sa ilalim ng Paris Olympics athletics event kasama sina Hoffman at Tolentino, at ang World’s No2 – EJ Obiena.

Agad namang binati ng Philippine Sports Commission ang bagong mga atletang Pinoy sa matagumpay na pagpasok sa Olympics, ang pinkamalaking sporting event sa buong mundo.

Gaganapin ang opening ceremony ng Paris Olympics sa July 26.