Patay ang dalawang pulis nang tamaan sila ng kidlat habang sila ay nagpapatrolya sa mga lansangan sa Naujan, Oriental Mindoro kagabi.

Ayon kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor, namatay ang dalawa sa parking area ng Regional Mobile Force Battalion Headquarters ng Police Regional Office 4B sa nasabing bayan.

Sinabi ni Dolor, batay sa report ng pulisya, tinamaan ng kidlat ang dalawang pulis ng 10:30 p.m. hanggang 11:30 p.m. sa gitna ng malakas na ulan.

Dinala ang dalawang pulis sa Mindoro Medical Center, subalit idineklara silang dead on arrival.