Nasunog ang dalawang magkatabing pwesto sa Public Market sa Centro, Ballesteros, Cagayan nitong madaling araw ng Enero 1, 2025.

Ayon kay SF02 Deputy Ronald Baldovizo ng Bureau of Fire Protection (BFP) Ballesteros, isang tauhan ng Philippine National Police ang tumawag sa BFP matapos maiulat ang insidente ng sunog.

Pagdating ng mga bumbero sa lugar, naapula na ang apoy matapos gumamit ng fire extinguisher ang mga may-ari ng mga pwesto.

Batay sa imbestigasyon, isang lumipad na paputok mula sa mga kalapit na bahay na nagsagawa ng paputok ang pinaniniwalaang tumama sa mga tolda na nagsisilbing silong ng mga paninda, na naging sanhi ng sunog.

Kasama sa mga nasunog ang mga panindang prutas.

-- ADVERTISEMENT --

Patuloy pang tinataya ng mga awtoridad ang kabuuang halaga ng pinsala. Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.