Posibleng magbubukas ng isa pang spillway gate sa Magat dam ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS).

Ayon kay Engr. Edwin Viernes, flood forcasting and instrumentation head, na mamayang 5:00 p.m. ay magbubukas sila ng isa pang spillway gate na may taas na isang metro.

Sa kasalukuyan ay may dalawang spillway gate sa Magat dam ang nakabukas na may tig-dalawang metro na opening.

Sinabi ni Viernes na ito ay dahil sa may mga pag-ulan pa sa watershed area ng dam na nagdudulot ng patuloy na pagtaas ng water level sa dam.

Ayon kay Viernes, ang water elevation sa Magat dam kaninang 1:00 p.m. ay 192.38 meter above sea level, malapit na sa critical o spilling level na 193 meters.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Viernes na ang pumasok na tubig sa dam ay 990 cubic meters per second habang ang lumalabas naman ay 993 cms.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Viernes ang mga naninirahan malapit sa mga ilog na dadaanan ng pinapakawalang tubig sa Magat na lumikas na kung kinakailangan dahil sa posibleng mga pagbaha.

Kabilang sa mga posibleng maaapektohan ng pagpapakawala ng tubig ng Magat dam ay ang mga bayan sa Gamu, Aurora, Cabanatuan, at Reyna Mercdes sa Isabela at maging ang Gamu hanggang Tuguegarao City.

Pinayuhan din niya ang mga nagsasagawa ng quarry sa ilog Magat na ipagpaliban muna ang kanilang mga operasyon dahil sa panganib na dala ng pagtaas ng lebel ng ilog.