Patay ang dalawang personnel ng city hall habang lima ang nasugatan sa pamamaril sa Silay City, Negros Occidental ngayong araw ng halalan.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagka-kape ang mga biktima nang dumating ang mga suspek na sakay ng van at pinagbabaril ang mga ito kaninang 6 a.m.

Naka-duty umano ang mga biktima para sa monitoring ng anomang vote buying incidents sa kanilang lugar.

Habang wala pang malinaw na motibo sa nasabing insidente, isa sa ikinokonsidera na suspek ay ang isang barangay kapitan sa lungsod.

Nagsasagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad sa mga suspek.

-- ADVERTISEMENT --