Agad na inilibing ang whale shark o butanding na natagpuang patay at palutang-lutang malapit sa dalampasigan ng Sitio Rakat, Brgy Rapuli, Sta Ana, Cagayan.
Ayon kay Aquaculturist Glaiza Reolalas ng Municipal Agriculture Office, naaagnas na ng matagpuan ng mga mangingisda ang nasabing butanding na nasa sexual maturity na at may habang nasa 7.6 meters na tumitimbang ng dalawang tonelada.
Bagamat hindi na isinailalim sa necropsy ang butanding na tinatayang mahigit limang araw nang patay ay maaari umano itong namatay dahil sa mga basurang plastic na nakain nito sa dagat.
Wala rin nakitang anumang palatandaan ng sugat sa katawan nito na posibleng naging dahilan ng pagkamatay nito.
Dahil sa nangngamoy na ay agad itong inilibing malapit sa lugar kung saan ito natagpuan gamit ang backhoe.