Nahuli ng mga awtoridad ang dalawang tulak ng iligal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan.

Unang nahuli ang isang street level drug dealer na si alyas Mia, 28-anyos, dalaga, private employee, at residente ng Tuguegarao City, matapos na bentahan ng isang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu ang isang nagpanggap na buyer noong February 22.

Bukod sa droga, nakuha rin sa pag-iingat ng dalaga ang buy-bust money na P500, isang cellphone, at motorsiklo.

Nahuli naman kahapon sa isinagawang operasyon ng Intelligence Operatives mula sa Tuao Police Station ang kinilalang si alyas Mike, 40-anyos, may asawa, walang trabaho, at residente ng nasabing bayan.

Ito ay matapos siyang magbenta ng limang piraso ng plastis sachet ng pinaniniwalaang shabu sa nagpanggap na buyer.

-- ADVERTISEMENT --

Nakuha sa kanya ang limang sachet ng shabu, P1,000 na tunay na pera at apat na piraso ng boodle money na P1,000 na ginamit sa operasyon at isang cellphone.

Agad na dinala ang dalawa at mga nakumpiskang mga ebidensiya sa kinauukulang himpilan ng pulisya para sa documentation.