Naaresto ng kapulisan ng Cagayan ang dalawang indibidual na pinaghahanap ng batas sa magkahiwalay na operasyon sa Cagayan at Benguet kahapon.

Unang naaresto ang isang 27 anyos na lalaki sa Barangay Leonarda, Tuguegarao City sa bisa ng warrant of arrest sa limang kaso ng qualified theft through falsification of public document na may
inirekomendang piyansa na Php90,000.00 bawat kaso.

Samantala, sa hiwalay na operasyon dakong alas-9:50 ng umaga sa Buguias, Benguet, naaresto ng Tracker Team ng Tuao Police Station sa pangunguna ni PMAJ Ariel Cambri, acting chief of police, ang isang 32-anyos na lalaki na kinilalang si aka Mark, residente ng Tuao, Cagayan.

Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para naman sa kasong Robbery na may inirekomendang piyansa na Php100,000.00.