Tuguegarao City- Nagiging maayos na ang daloy ng trapiko sa mga nakalatag na quarantine check point sa lungsod ng Tuguegarao.

Ito ay matapos isaayos ang set up ng mga vehicle lanes sa mga entry at exit point sa lungsod.

Ayon kay Vince Blancad, head ng POSU Tuguegarao, may mga ginagamit na ang mga otoridad na control traffic devices upang matiyak ang maayos na takbo ng mga sasakyan.

Sinabi pa nito na isinaayos rin ang mga lanes ng kalsada para sa mga public/ private vehicle, sasakyan ng mga frontliners at maging ang mga government employees.

Sa ganitong hakbang ay natutugunan aniya ang maayos na takbo ng mga sasakyan at naiiwasan ang pagkaantala dahil sa mahabang pila ng mga sasakyan sa pagpasok at paglabas sa lungsod.

-- ADVERTISEMENT --

Muli ay tiniyak pa ni Blancad na kaisa ang kanilang hanay sa mahigpit na pagpapatupad ng mga precautionary protocols sa mga pumapasok sa lungsod upang malabanan ang pagkalat ng virus.

Matatandaang umalma ang mga motorista at mga byahero matapos ang mahabang oras na ginugugol sa paghihintay sa mga quarantine checkpoint.